MATAPOS sermonan at hiyain sa loob ng halos isang oras habang naka-live coverage sa mga broadcast media sa loob ng Malacañang ang mahigit 300 pulis na umano’y tiwali, agad ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatapon sa mga ito sa Basilan sa Mindanao upang makasama raw sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf.

Ang paniwala kasi ni PRRD, kapag hindi nagtino sa kanilang trabaho ang mga tiwaling pulis na ito na ipatatapon niya sa Mindanao ay siguradong mapapatay lang sila ng mga kalugar niya kapag doon nila ipinagpatuloy ang pagkakalat ng lagim o pagpasok sa mga kalokohan.

Maging si PNP chief PDG Ronaldo “Bato” dela Rosa, na sa Mindanao nagtagal magserbisyo, ay hayagang sinusulsulan ang kanyang mga kababayan na patayin ang mga tiwaling pulis na ipatatapon niya sa Mindanao kapag ‘di tumigil ang mga ito sa paggawa ng kawalanghiyaan.

Ngunit ang pakulong ito ng mag-among PRRD at CPNP Bato ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan, lalo na sa mga mismong taga-Mindanao, na todo ang pag-angal dahil nakakainsulto umano para sa kanila na gawing tapunan ng mga tiwaling pulis ang kanilang lugar. Kung mga tiwaling miyembro raw talaga ito ng Philippine National Police (PNP), mas nararapat lang na kasuhan, ipakulong at tanggalin agad sa serbisyo, kapag napatunayang may matinding kasalanan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Todo-salag naman agad itong tagapagsalita ng PNP-Public Information Office (PIO) na si Sr. Supt. Dionardo Carlos at sabay... bawi na hindi raw parusa sa mga tiwaling pulis ang pagpapadala sa kanila sa Mindanao bagkus bahagi lamang umano ito nang normal na paggalaw sa serbisyo bilang mga alagad ng batas – ows, talaga lang mga sir, ha?

Sa totoo lang po, matagal nang ginagawa ang pagtatapon sa mga pulis sa ibang lugar kapag may kasalanan, ngunit hindi ko ito nakikita bilang isang parusa kundi isang uri ng DELAYING TACTIC na habang nagpapalamig sa kaso ang tiwaling pulis at kapag medyo nakalimutan na siya at ang kanyang atraso, muli siyang makababalik sa trabaho, ika nga sa English ay “with vengeance” - para ipagpatuloy ang kanyang kalokohan sa serbisyo.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)