CAPE TOWN (AFP) – Nagsuntukan ang mga sekyu at ilang mambabatas ng oposisyon sa parliament ng South Africa nitong Huwebes habang nagbibigay ng state of the nation address si President Jacob Zuma.

Nagkagulo nang puwersahang palabasin ng mga sekyu ang 25 miyembro ng Economic Freedom Fighters (EFF) party na pinigilan si Zuma na magsalita pa sa loob ng mahigit isang oras.

‘’We have been patient with you, we have been trying to give you an opportunity to express yourselves but... it is being abused,’’ sabi ni speaker Baleka Mbete sa mga mambabatas ng EFF bago sila pinalabas.

Bago nito, tinawag ni EFF leader Julius Malema si Zuma na ‘’an incorrigible man, rotten to the core’’.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na