BAGUIO CITY – Isang Hong Kong national at dalawa niyang kasama ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera nitong Miyerkules ng hapon sa Barangay Aurora Hill sa siyudad na ito.

Kinilala ni PDEA Regional Director Edgar Apalla ang mga nadakip na sina Joemar Roblas Cañaveral, 39, Hong Kong national, tubong Canaman, Camarines Sur at residente ng Asin Road, Baguio; John Daryl Malicdem Villanueva, 30; at Clint Joseph Ambrosio Macachor, 28, kapwa taga-Leonila Hill, Baguio.

Ayon kay Apalla, dinakip ang dalawa matapos magbenta umano ng dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P14,000. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog