Madonna copy copy

MULING nag-ampon ang US superstar na si Madonna ng kambal na babae sa Malawi nitong Martes, sabi ng isang opisyal sa korte sa AFP. Apat na bata na ngayon ang ampon ni Madonna mula sa naturang bansa sa southern Africa.

Dalawang linggo ang nakalilipas, itinanggi niya na kabilang siya sa bagong adoption application sa Malawi.

“I can confirm that Madonna has been granted an adoption order for two children,” saad ng judicial spokesman na si Mlenga Mvula, at idinagdag na apat na taong gulang ang kambal na sina Esther at Stella.

Human-Interest

KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

Kasunod ng pagpapasya ni Judge Fiona Mwale, dumating ang singer sa High Court sa Lilongwe kasama ang maraming private security guard at police, ayon sa local media.

May nauna nang inampon si Madonna, na nagtatag ng charity na tinatawag na Raising Malawi noong 2006, na dalawang bata sa Malawi -- si David Banda noong 2006 at si Mercy James noong 2009.

Hindi available ang kanyang publicist para magkomento tungkol sa isyu.

Inihayag ni Mwale na nagmula ang kambal sa Home of Hope orphanage sa Mchinji. Sa nabanggit na orphanage din nanggaling si David Banda. (AFP)