BELA copy

KLINARO ni Bela Padilla na walang third party sa paghihiwalay nila ni Neil Arce na nananatiling business partner niya sa film production.

Hindi ba nila napag-usapan ang kasal sa loob ng apat na taon nilang relasyon?

“Napag-usapan din naman, parang nu’ng una nga doon na papunta, saka feeling ko bilang babae, papasok ka sa isang relasyon na iyon naman talaga ‘yung end. Iyon ang ini-expect mo, hindi naman nakipag-boyfriend ka lang dahil bored ka lang. So definitely, iyon din ang iniisip ko noong naging kami,” sagot ng aktres.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dahil loveless na si Bela, tinanong namin kung si Zanjoe Marudo ba ang ka-date niya sa Valentine’s Day lalo’t maganda ang samahan nila sa set ng My Dear Heart.

“Hindi po, talaga, saan (kami sweet)? Talaga? Dumalaw po kayo sa set namin, parang barkada lang kami, nagsusuntukan nga po kami ng laro,” natawang sagot ng aktres.

Binanggit namin ang nakarating na kuwento sa amin na sa isang TV guesting ni Bela para sa promo ng My Dear Heart ay hinintay siya ni Zanjoe, kahit hindi naman kasama ang aktor sa lakad na iyon.

“Hindi po ako hinintay dahil hinihintay niya ako personally. ‘Yung make-up artist niya po, ihahatid niya pauwi, eh, siya rin ang nag-make-up sa akin kasi magkalapit ang bahay nila. Kayo talaga,” napapangiting paliwanag ng dalaga.

Likeable ba si Zanjoe?

“Okay naman po siya katrabaho. Hindi ko po nakikita right now (na puwedeng maging ‘sila’). Grabe po mga tanong n’yo, ha? Grabe po siya,” sabay titig sa amin. “Bilang tao po, likeable naman siya, lahat naman ng tao sa set namin, likeable.”

Pero hindi pa raw handa si Bela na magkaroon ng karelasyon dahil, “Nakakaawa naman ‘yung tao kasi wala akong time na maibibigay, nagti-taping po ako ng (My Dear Heart) ng every MWF ‘tapos shooting kami ng TTHS, ‘tapos no’ng nakaraang buwan, nag-aaral ako ‘pag Linggo, so ngayon ko pa lang makukuha ‘yung Sunday starting tomorrow (last Sunday).

“So parang gusto ko munang i-enjoy ‘yung Sundays ko by myself, muni-muni...

Hindi para lumabas o gumimik. ‘Yung Sunday ko parang gusto ko lang manood ng TV, magpa-derma, ganu’n lang,” esplika ni Bela.

Hindi niya pag-aari ang araw ng Linggo noon may obligasyon siyang iniisip sa ibang tao o boyfriend niya.

“Kasi po, isang buong linggo akong nagtatrabaho ‘tapos hindi ko pa siya mabigyan ng oras, minsan naiisip ko rin dati na ako lang,” paliwanag ng aktres. (REGGEE BONOAN)