WASHINGTON, DC — Bagamat nakipaglapit si Pangulong Duterte sa China, nagbabala ang mga eksperto na hindi nito mapauurong ang pag-aangkin ng China sa umano’y teritoryo nito sa West Philippine Sea (South China Sea).

“The Chinese sees the nine-dash line as the boundary of China. That means the boundary of China comes right up to the beaches of Palawan,” babala ni Professor Marvin Ott, ng Paul H. Nitze School of Advanced International Studies at lecturer ng East Asian Studies sa Johns Hopkins University.

Sa pagsasalita sa harap ng mga Pilipinong reporter na nakibahagi sa United States-Philippine Bilateral Relationship Program of the US State Department, binanggit ni Ott ang tahimik pero tuluy-tuloy na pagtatayo ng China ng mga gusali at istruktura sa pinalalawak nitong teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Ott na ang The Hague ruling noong nakaraang taon na pumabor sa Pilipinas ay malaking lamang sana dahil, “(it) validated legally much of the Philippine position and invalidated the Chinese claims.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Subalit hindi masigasig ang administrasyong Duterte na isulong ang nasabing ruling dahil naghahangad si Duterte ng mas matatag na relasyon sa China habang binabatikos ang Amerika.

“I think the Philippines would have had a few stronger cards in their hands if they mentioned the ruling a bit more.

China assumed that the Philippines has moved on,” sambit naman ni Murray Hiebert, deputy director ng Southeast Asian Program sa Center for Strategic and International Studies (CSIS).

Sinabi ni Hiebert na ang panalo ng Pilipinas ay makalilimutan lamang kalaunan at magpapatuloy ang China sa territorial claims nito.

Binigyang-diin din ni Ott na malaki ang posibilidad na hindi tatalima ang China sa panukalang Code of Conduct, na inaasahang matatamo ng Duterte administration ngayong taon. (Tara Yap)