DINOMINA ng Café France ang Blustar Detergent tungo sa impresibong, 88-52, panalo kahapon para makabalik sa winning track sa 2017 PBA D League Aspirants Cup sa JCSGO gym sa Cubao.

Nagpakawala si Paul Desiderio ng 19 puntos at tatlong assist para sandigan ang Bakers sa ikalawang panalo sa tatlong laro.

Lahat ng 14 na manlalaro na ipinasok ni Bakers coach Egay Macaraya ang nagambag sa opensa.

"Gusto kong makita na talagang nag-jell na ang mga player. I have four new players here, kaya nangangapa pa but our rotation is still the same. I want our team to jell para preparado kami sa mas mabigat na laban,” pahayag ni Macaraya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanguna si Mak Long Seng para sa Blustar na natamo ang ikatlong sunod na kabiguan.

Iskor:

Café France 88 - Desiderio 19, Ebondo 14, Veron 9, Manlangit 8, Gabriel 7, Arim 6, Aquino 4, Guinitaran 4, Jeruta 4, Calisaan 3, Casino 3, Opiso 3, Faundo 2, Wamar 2.

Blustar 52 - Mak 15, Melano 12, Kwaan 11, Heng 5, Ong 5, Ang 4, Choong 0, Gan 0, Kamalrulzaman 0, Liaw 0, Liew 0, Wong 0, Chin 0.

Quarterscores:

21-16, 51-22, 68-36, 88-52. (Marivic Awitan)