Pumayag ang malalaking taxpayers sa bansa na suportahan ang tax collection campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para makalikom ng P1.8 trilyon ngayong taon.

Nanumpa ang mga pinuno ng conglomerates at inter-related companies nang dumalo sila sa paglulunsad ng 2017 tax collection drive ng BIR sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Lunes kasama si Pangulong Rodrigo Duterte bilang panauhing pandangal at speaker.

Lumagda pa sila sa pledge of support sa ginanap na pagtitipon.

Nagsalita para sa business community, sinabi ni Lance Gokongwei, chief operating officer ng JG Summit Holdings, na gaya ng ibang negosyante ay umaasa rin siya na mapabuti ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagbayad ng tamang buwis at mabawasan ang kahirapan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangako siyang aayudahan at makikipagtulungan sa tax collection campaign ng BIR.

Ikinalugod naman ni BIR Commissioner Caesar R. Dulay ang suporta ng malalaking negosyente na magpapadali sa pag-abot nila sa kanilang malaking target sa koleksiyon.

Inamin ng Pangulo na wala siyang gaanong alam sa pagbubuwis, at nagbiro pa na 68 porsiyento lamang ang grade niya sa taxation nang kumuha siya ng BAR exam.

Nangako rin ang Pangulo na magdaos ng thanksgiving party kapang nakalikom ang large taxpayers service (LTS) ng BIR ng P1 trilyon ngayong taon.

Ang LTS ang nasasagawa ng audit sa mahigit 2,300 pangunahing kumpanya sa bansa at kumukolekta ng halos 62% sa annual total assignment.

Ngayong taon target nitong makalikom ng P1.1 trillion na halos P185 bilyon na mas mataas kaysa nakaraang taon. Hindi pa inilalabas ang 2016 collection report.

Kahapon sinimulan na ni Dulay ang pagpapadala ng mga notice sa 753 malalaking kumpanya sa bansa para magparehistro sa LTS upang mahigpit na mabantayan ang kanilang mga kinita at pagbabayad sa buwis.

Sa pagpapalista ng mga kumpanyang ito sa LTS ay aabot na sa 3,073 mula 2,320 ang bilang ng taxpayers sa ilalim ng jurisdiction nito.

Ngunit ayon kay Finance Scretary Carlos Dominguez, maliit pa ang bilang na ito.

“I find the number of registered large taxpayers rather small considering the rapid expansion of our economy,” ani Dominguez. (JUN RAMIREZ at ROMMEL P. TABBAD)