BASTE BEN CHAN JULIA AT THALIA_pls use upper photo copy

SINA Julia at Talia Concio at Baeby Baste ng Eat Bulaga ang endorsers ng Bench Baby Cologne na inilunsad last Saturday night sa Glorietta Activity Center in Makati.

Present sa nasabing event si Charo Santos-Concio, ang proud and doting lola nina Julia at Talia.

At dahil siya ang pinakamalaking star sa nasabing event ay siya ang pinutakti ng mga katanungan ng reporters after mag-perform sa stage sina Baeby Baste, Julia at Talia.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Stage lola ba si Charo?

“Parang hindi. Doting lola, but not a stage lola,” sagot ng isa sa most powerful Philippine showbiz personality.

Kina Julia at Talia, kanino niya mas nakikita ang sarili niya noong bagets pa siya?

“Talo nila ako. Sa edad nila, hindi ko naman ginawa ‘yan, di ba?”

Sinabi rin ni Charo na ang mas nakababata na si Talia ang mukhang pang-showbiz sa magkapatid. Parang wala raw itong pakialam at basta nag-i-enjoy lang na tipong hyper at parang hindi nauubusan ng energy. Ito nga rin ang aming napansin habang rumarampa sa stage ang mga bagets.

Bubble Gum ang favorite ni Julia sa Baby Bench Cologne. Si Talia naman ay Cotton Candy.

Ang isa pang very proud kina Julia, Talia at Baeby Baste ay ang Bench ower na si Ben Chan na tipong naging daddy dearest ng tatlo habang rumarampa sa stage sa pagtatapos ng Bench Baby Cologne event program. Binigyan pa niya ang mga ito ng tig-iisang malalaking teddy bear na labis na ikinatuwa ng tatlong bagets, in pernes. (MERCY LEJARDE)