Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes ng madaling araw.

Sa pahayag ni Julius Segovia, ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes, Pebrero 7, ay magtataas ito ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina, at 30 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Doble hinagpis: Karo ng patay sinalpok ng 14-wheeler truck sa Cavite

Enero 31, 2017 huling nagtaas ng 25 sentimos sa diesel ang mga kumpanya ng langis. (Bella Gamotea)