vice ganda copy

BUKOD sa pagiging box office star at regular host ng It’s Showtime, nakatutok din ang madlang pipol sa estado ng buhay-pag-ibig ni Vice Ganda.

Katunayan, walang lumalampas na episode ng It’s Showtime na hindi nababanggit ang tungkol sa kanyang lovelife.

Kapag masaya ang bungad niya sa programa, laging sinasabi na ‘in love’ si Vice, kaya umaawra.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa panayam sa presscon para sa kanyang concert na Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta, inamin niya na siya ay “currently dating someone”.

Naging palaisipan tuloy kung sino itong Kapamilya actor na kanyang tinutukoy na kasama sa isang teleserye. Naging pahulaan kung si Ronnie Alonte ba ang tinutukoy niya. Halata raw kasi sa mga kilos ng dalawa, na lagi silang nag-aakbayan on and off-camera.

Nauna nang natsismis kay Vice si Zeus Collins, na tulad ni Ronnie ay member din ng Hashtags, pero wala naman itong teleserye, base na rin sa clue ni Vice. Samantalang si Ronnie ay kasama sa seryeng A Love To Last nina Ian Veneracion at Bea Alonzo.

“Every day naman bago ‘yung saya, bago ‘yung ngiti, bago ‘yung kilig, kasi ang love hindi naluluma, lagi siyang bago,” sey ni Vice at idinagdag na,”Hindi, hindi bago ‘yung boy. Dati pa rin, pero hindi n’yo kilala.”

Darating ba sa concert niya ang guy?

“Hindi ko lang alam. Parang sana, huwag. Wala lang, ayoko. Ayoko. ‘Di ko alam kasi baka may taping din siya… May taping siya, charot!” sabay tawa.

Hirit pa ng press kay Vice, magbigay siya ng initials ng guy?

“Huwag na initials, sasabihin ko na ang pangalan sa concert!” pangako niya.

Ang nasabing guy daw ang nagpapatibok ng kanyang puso at inspirasyon sa kanyang buhay ngayon.

“Sa mga pinakasimpleng paraan, Diyos ko, marinig mo lang ang pangalan, masaya ka na, di ba? Mapag-usapan nga lang siya, kahit hindi siya tinutukoy, masaya ka na,” sabi ng Unkabogable Star na ngiting mala-Anne Curtis ang pagtatapos. (ADOR SALUTA)