CARRANGLAN, Nueva Ecija – Binaril at binigti ng lubid ang isang hindi pa nakikilalang lalaki bago itinapon sa burol malapit sa Maharlika Highway sa Barangay Minuli sa Carranglan, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng hapon.

Sa ulat kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, Nueva Ecija Police Provincial Office director, dakong 4:00 ng hapon nang namataan ang isang kotse at isang van sa burol, at makalipas ang 10 minuto ay umalis din kasabay ng pagkakatagpo sa bangkay.

Ang biktima, na nasa edad 30-35, ay nakasuot ng asul na T-shirt at peach na boxer shorts. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog