Sa pagkakaudlot ng unilateral ceasefires ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF), hinimok kahapon ng isang kaalyado ni Pangulong Duterte ang magkabilang panig na huwag sumuko sa pagtatamo ng kapayapaan at patuloy pa ring maglatag ng mga hakbanging magsusulong nito.
Hinimok ni Siquijor Rep. Rav Rocamora ang magkabilang panig na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan sa kabila ng pagtatapos ng ceasefire ng pamahalaan at ng New People’s Army (NPA).
“Our country has never had any respite from internal strife for decades. No doubt, the absence of peace has been a deterrent to getting long term investments and creating gainful employment which further feeds into greater poverty,” pahayag ni Rocamora.
“Let’s give peace a chance, put in place confidence re-building measures and think deeply about acceptable negotiating points that can be brought to the table,” sabi niya.
Hinimok din ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, vice-chairman ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity, ang pamahalaan at ang NPA na ipagpatuloy ang negosasyon para sa usapang pangkapayapaan na uugat sa mga sanhi ng paglalaban.
“We call on the negotiating panels of both parties, as well as their respective working groups and committees, to focus in the crafting of an agreement on socio-economic reforms — the crux and the most crucial part of the peace process,” sabi ni Zarate.
Sinabi niya na ang pagtalakay sa mahahalagang usapin, hinggil sa mga repormang pulitikal at constitutional at ang paglutas sa mga sigalot ng mga puwersa, ay maaaring ipagpatuloy sa kabila ng kawalan ng ceasefire. - Charissa M. Luci