Roger Pogoy and Terrence Romeo

GINAPI ng Talk ‘N Text Katropa ang GlobalPort Batang Pier, 109-101, para makaabante sa maiksing best-of-three quarterfinal series kahapon sa OPPO-PBA Philippine Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Kumubra si Jayson Castro ng 20 puntos, apat na rebound at isang assist, habang matikas ang alalay nina Larry Fonacier at Mo Tautuaa para sa impresibong panalo sa game 1 ng kanilang duwelo.

Nanguna si Terrence Romeo sa Globalport sa naiskor na 28 puntos, walong assist at limang board, habang kumana si Stan Pringle ng 19 marker, ngunit bigo silang makakuha ng suporta sa mga kasangga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Our focus was to limit the production of Terrence and Stanley, but they still got their averages today,” pahayag ni TNT coach Nash Racela.

“The players did their best to contain them, but Terrence was just hitting tough shots.”

Makukuha ng Katropa ang semifinal berth sakaling makauli sa Batang Pier sa Game 2 sa Lunes sa Big Dome.