Boston Celtics' Isaiah Thomas goes to the hoop against Los Angeles Lakers' Larry Nance Jr. as three other Lakers look on during the second half of Boston's 113-107 win in an NBA basketball game in Boston Friday, Feb. 3, 2017. (AP Photo/Winslow Townson)
CELTICS PRIDE! Nagtangkang pumuntos ang 5-foot-8 na si Isaiah Thomas ng Boston Celtics laban sa depensa ng 7-footer na si Larry Nance Jr. ng Los Angeles Lakers sa isang tagpo ng kanilang laro sa NBA nitong Biyernes (Sabado sa Manila). Nagwagi ang Celtics, 137-107. AP

OKLAHOMA CITY (AP) — Nagsalansan si Russell Westbrook ng 38 puntos, kabilang ang 19 sa fourth quarter para sandigan ang Oklahoma City Thunder kontra Memphis Grizzlies, 114-102, nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Hataw din si Westbrook ng 13 rebound at 12 assist para sa ika-25 triple-double ngayong season at ika-62 sa NBA career. Ang naitala niya ang pinakamarami sa NBA muala nang maitala ni Wilt Chamberlain ng 31 triple-double noong 1967-68 season.

Nag-ambag si Steven Adams ng 16 puntos at 13 rebound, habang naitala ni Joffrey Lauvergne ang season-high 16 at kumubra si Anthony Morrow ng 15 puntos para maputol ang losing skid ng Thunder sa tatlo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Marc Gasol sa Grizzlies sa natipang 31 puntos at kumawala si Mike Conley ng 18 puntos.

ROCKETS 121, BULLS 117, OT

Sa Houston, kinapos lamang ng isang assist si James Harden para sa isa pang triple-double performance sa panalo ng Rockets kontra Chicago Bulls sa overtime.

Kumubra ang tinaguriang ‘The Beard Man’ ng 42 puntos, 12 rebound at siyam na assist.

Naisalpak ni Harden ang step-back jumper sa harap ng depensa ni Paul Zipser may 36.1 segundo ng extra period bago nasundan nang dalawang free throw para mailayo ang Rockets tungo sa panalo.

Sumabak ng Bulls na wala ang star forward at All-Stars na si Jimmy Butler, nagtamo ng bugbog sa mga paa. Umalalay sa posisyon niya si Michael Carter-Williams na kumana ng 23 puntos, siyam na rebound at anim na assist.

NUGGETS 121, BUCKS 117

Sa Denver, ginapi ng Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic, na tumipa ng unang career triple-double -- 20 puntos, 13 rebound at 11 assist – ang Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Wilson Chandler ng 23 puntos at si Kenneth Faried na may 19 puntos para sa Nuggets.

Natamo ng Milwaukee ang ika-10 kabiguan sa huling 11 laro. Nanguna sa Bucks si Jabari Parker na may 27 puntos at 11 rebound.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Indiana Pacers sa Brooklyn Nets, 106- 97; hiniya ng Boston Celtics ang Los Angeles Lakers, 113-107; pinigil ng Detroit Pistons ang Minnesota Timberwolves, 116-108; pinatigil ng Orlando Magic ang Toronto Raptors, 102-94; inapula ng Dallas Mavericks ang Portland Trailblazers, 108-104’ at naungusan ng Phoenix Suns ang Sacramento Kings, 105-103.