BEIJING (AP) – Isang 13-anyos na babae ang namatay matapos tumalsik mula sa isang fast-turning ride sa isang amusement park sa timog silangan ng China.

Lumutang sa imbestigasyon nitong Sabado ng gabi na nasira ang seatbelt ng dalaga at maluwag ang passenger safety bar ng isa sa mga rides ng Chaohua Park sa Fengdu county, sa bayan ng Chongqing.

Nakita sa cell phone footage, ibinahagi ng state media, ang pagtalsik ng biktima mula sa “Travel Through Space” ride noong Biyernes ng hapon habang paulit-ulit na umiikot ang mga upuan sa 360 degrees. Bumagsak ang dalagita sa bakal na barandilya at isinugod sa ospital ngunit ito’y patay na.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na