OAKLAND, California (AP) – Walang ‘Splash Brothers’ showdown sa All-Star Weekend sa Pebrero 18.

Idedepensa ni Golden State Warriors guard Klay Thompson , ang korona sa three-point contest, na wala ang kasanggang si Steph Curry.

Ayon sa ulat ng San Francisco Chronicle, hindi nagkumpirma si Curry na lalaro sa contest para maagaw ang tropeo.

Sina Thompson at Curry, bantog bilang “Splash Brothers”, ang naglaban sa finals ng All-Stars shootout sa nakalipas na season.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naitala ng Warriors guard ang kasalukuyang 40.3 percent clip, ikalima sa NBA record tangan ang 149 three-pointers made sa 48 oras.

Nangunguna si Curry sa liga na may 199 3-pointers, kabilang ang 11 sa panalo ng Warriors kontra Charlotte Hornets.

Ayon sa ulat ng ESPN, sasabak para agawin ang korona kay Thompson, sina Portland Trail Blazer C.J. McCollum at Matthews of the Dallas Mavericks.

Sasabak din sina Cavs star Kyrie Irving, Rockets shooter Eric Gordon, Lakers guard Nick Young, Hornets top gun Kemba Walker and Raptors star Kyle Lowry.

Bukod kina Thompson at Curry, pasok din sa All-Stars sina Golden State forward Kevin Durant at Draymond Green.