HINILING ni Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Arthur Aguilar sa Department of Education (DepEd) na kastiguhin ang isang nagpapakilalang kawani ng ahensiya at nagsasagawa ng pagsasanay sa wrestling na walang kaukulang ‘sanctioned’ sa asosasyon.
Sinabi ni Aguilar na ang isang Vic Pinlac ay palagiang kumakatawan sa sports at madalas na nagiging keynote speaker sa kabila ng katotohanan na hindi ito otorisado ng National Accreditation for Officiating ng naturang sports discipline.
“Mr. Pinlac is not of any authority for wrestling .He is neither accredited by the national sports association and the international federation .He is fraudulently accrediting Dep Ed teachers as wrestling referees and coaches”, pahayag ni Aguilar.
Aniya, sa nakaraang tatlong taon na aktibo ang naturang sport sa Palarong Pambansa, nakapuwesto ang naturang si Pinlac. Bunsod nito, lahat ng resulta sa mga naganap na referees seminar sa pangangasiwa ni Pinlac ay hindi kinikilala ng WAP.
“With all these alarming concerns for the past three years ,no communication with the department heads of the Wrestling Association of the Philippines have been furnished. This is inspite of our NSA’s repeated communication with people comcerned, ayon kay Aguilar.
Ang WAP aniya ay isa sa pinaka-produktibong NSA sa bansa na nakapag-produce ng maraming international champions .Ang kanilang grassroot programs ay nakipag-bigkis na sa higit 60 establisadong gym sa buong kapuluan. Dapat aniyang mapigil ng Dep Ed ang iligal na gawain ng nabanggit na kawani dahil ang WAP lang ang tanging may timon sa lahat ng aktibidad ng wrestling sa bansa.
“This fraudulent practice are all misleading and putting our wrestling programs which we have been worked so hard to implement on a very bad light .We will be forced to file legal charges implicating the Dep Ed personnel .Wrestling in the Philippines is our responsibility and we will never waiver in our commitment to it,” paniniyak ni Aguilar na pinaabot din ang babala sa Dep Ed Baguio tungkol sa kanilang kawani na nagpapatupad ng wrestling programs sa CAR. (Edwin G. Rollon)