Sa kabila ng pag-endorso na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si dating Pangulong Ferdinand Marcos, plano ng Malacañang na gunitain ang ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution nang may dignidad.

“The EDSA revolution has its own particular dignity,” pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“When I say with dignity, I mean whatever they do will be to honor, will be to give its due honor,” dagdag niya nang tanungin kung paano gugunitain ng gobyerno ang EDSA revolution ngayong si Marcos ay nailibing na sa LNMB noong Nobyembre.

Gayunman, sinabi ni Abella na aalamin pa lamang niya ang mga isasagawang aktibidad para sa EDSA revolution sa Pebrero 25.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

At nang tanungin kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa commemorative rites, sinabi ni Abella na aalamin pa lamang niya ang schedule ng Pangulo.

Kamakailan lamang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea para pamunuan ang EDSA People Power Commission. (Genalyn D. Kabiling)