Patay ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa panggagahasa at pagpatay sa dalawang batang babae sa Bunawan, Agusan del Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Bunawan Municipal Police, wanted sa rape-slay sa isang pitong taong gulang na babae at isang siyam na taong gulang na babae si Wilmar Peñaloga, 22, ng Purok 6-B, Barangay San Teodoro, Bunawan.

Nabatid na hapon nitong Enero 27 nang makita ang mga biktima na tadtad ng saksak sa katawan, ginilitan at may mga palatandaang hinalay. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog