PARA sa koponan ng Far Eastern University, ang pinakamagandang pagkakataon upang matapos ang pagkauhaw sa titulo sa pagsabak nila sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament.

Nabigo ang Lady Tamaraws na makapasok sa Final Four sa nakalipas na season nang sibakin ng No.2 seed at eventual champion La Salle Lady Spikers.

Ang pagkatalo ay mas lalong nagpatibay sa kanilang hangarin na gawin lahat ng makakayanan sa darating na Season 79.

Huling nagwagi ng titulo ang FEU noong 2008 nang talunin ng koponanan na pinangungunahan nina Rachel Anne Daquis, Maica Morada, at Mumay Vivas ang Adamson sa Finals.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Inaasahang mamumuno sa kampanya ngayong taon ng tropa ni coach Shaw de los Santos sina 5th-year middle blocker at team skipper Remy Palma ,ang hard hitter na si Bernadeth Pons, Toni Basas, Jerrili Malabanan, Kyle Negrito at Kyla Atienza .

“Sabi ko sa Manila, ito na yung best chance namin so dapat hindi ito masayang.Kailangan give it your best every game ,” anas ni De Los Santos.

Taliwas sa mga karibal na nagsanay sa ibang bansa, dito lamang nagsanay ang Lady Tamaraws partikular sa Baguio at sa kanilang gym sa Manila.

Maagang masusubukan ang koponan dahil nakatakda nilang makalaban ang defending champion La Salle sa Pebrero 5 sa Smart Araneta Coliseum. (Marivic Awitan)