Tutol si Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa planong ipasara ang Project NOAH, ang hazard at risk monitoring program ng Department of Science and Technology (DoST).

Ayon sa kalihim, kailangan ng ahensya ang Project NOAH at kung maisasara ito ay magreresulta lamang ito ng trahedya, lalo pa’t nakararanas ngayon ng madalas na pagbaha ang bansa.

“I will do everything to save it. Initially, I will talk to President Rody Duterte and ask him to allow the DA to take over Project NOAH,” paliwanag ng Kalihim sa kanyang Facebook post. (ROMMEL P. TABBAD)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'