Nakumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hindi pa mabatid na kilo ng shabu mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap sila ng tip na may shabu na nakapaloob sa isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) na umano’y ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Agad namang naglatag ng dragnet operation ang NBI para maharang ang nasabing sasakyan at dakong 5:30 ng hapon nang ito’y masilayan na nakahinto sa kahabaan ng Escolta, Maynila.

Nag-antabay ang NBI kung sino ang lalapit sa nasabing sasakyan subalit makalipas ang apat na oras ay walang kumuha sa sasakyan kaya napagdesisyunan na buksan na ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagbukas na pagbukas ng pintuan ay tumambad sa awtoridad ang isang bagahe na naglalaman ng 17 pakete ng shabu.

Inaalam na ng NBI ang pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyan. (Beth Camia)