Xian copy

ISANG taon din nagpahinga si Xian Lim sa mga teleserye pagkatapos ng huling serye nila ni Kim Chiu. Ngayon ay visible na uli siya sa A Love To Last, ang top-rating primetime show na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo. 

But this time, minus Kim na sa serye.

Nagtataka tuloy ang KimXi (fans nina Xian at Kim) kung bakit pinaghihiwalay sila sa mga proyekto. Si Kim kasi ay balik-tambalan kayGerald Anderson sa isang project at sinusubukan namang ipares sa iba si Xian. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Inuunti-unti na nga bang paghiwalayin ang dalawa? 

Sa panayam kay Xian para sa pagpasok niya saA Love To Last, pinaghandaan nila ang pagkakaroon ng kani-kaniyang bagong landas sa showbiz.

“In time meron ngang pros and cons sa mga ganyang pangyayari. ‘Yung mga supporters they were actually shocked,” sabi ng matangkad na aktor. “Of course. It’s not naman na porke’t nawala ang KimXi sa movies at television, eh, wala na talaga ang KimXi. I’m sure there are still projects in the future na magkikita kami. But 2017, I don’t think they are going to see us this 2017,” sey ng aktor.

Tanggapin kaya ng fans kung hindi si Kim ang kanyang leading lady?

“On the set it’s the same people and kumbaga just different characters. ‘Yun lang ang nabago. But in terms of being away sa love team, everything is just the same. It’s just the challenge na makikita ng tao na iba.”

Tiniyak ni Xian sa KimXi supporters na may kontak pa rin sila ni Kim sa isa’t isa. Sa katunayan, may pinaplanong sorpresa si Xian sa kanyang lady love para sa Valentine’s Day.

Taun-taon, tuwing Araw ng mga Puso, lagi raw siyang may sorpresa kay Kim.

“Sana nga lang ma-surprise siya kasi parang pang-ilang surprise na. So, kailangan konting distansya here and there,” sey actor. (ADOR SALUTA)