Tiniyak ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang pagsasaayos at pagpapaganda ng Binondo.

Sa kanyang mensahe sa Chinese New Year’s Eve Countdown kamakalawa ng gabi sa Plaza San Lorenzo Ruiz, ipinangako ni Estrada sa Filipino-Chinese community na gagawin niyang prayoridad ang pagpapagandang muli sa Binondo, na itinatag ng mga Kastila noong 1594.

“As mayor of Manila I have made it one of my top priorities to redevelop Binondo and surrounding areas, dahil itong Binondo is the oldest Chinatown outside of China,” pagtiyak ng alkalde. “Kaya itong Binondo, pinagmamalaki natin, ito ang ating aayusin.”

Kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at Russian Ambassador to the Philippines Igor Anatolyevich Khovaev, pinangunahan ni Estrada ang Chinese New Year’s Eve Countdown nitong Biyernes ng hatinggabi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

(Mary Ann Santiago)