KOTA KINABALU (AP) – Isang bangka na may sakay na 31 katao, kabilang ang mahigit 20 turistang Chinese, ang iniulat na nawawala matapos maglayag patungo sa isang lungsod sa silangan ng Malaysia.

Binanggit ng Xinhua News Agency na sinabi ng Chinese Consulate General sa Kota Kinabalu sa Sabah, Malaysia kahapon na nawalan ng komunikasyon ang bangka matapos maglayag noong Sabado.

Umalis ito sa Kota Kinabalu nang umagang iyon patungong Pulau Mengalum, isang isla sa kanluran ng lungsod.

Nagpadala na ang Malaysian Maritime Enforcement Agency ng mga barko at helicopter para hanapin ang nawawalang bangka.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Ayon sa pahayagang The Star ng Malaysia mayroong 28 turistang Chinese ang sakay ng bangka.