TUAO, Cagayan – Pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng pekeng mantika, na sinasabing naglipana ngayon sa bayan ng Tuao.

Arestado si Rodolfo Pacion, 27, ng Barangay Bantay, Solana, matapos iturong nagbebenta umano ng pekeng mantika, matapos na makumpiskahan siya ng limang kahon ng pekeng cooking oil.

Huling umanong nabiktima ni Pacion si Ferdinand Bautista, 50, negosyante, ng Bgy. Baung, Piat, na nakakuha ng 10 kahon at tatlong container ng pekeng mantika.

Nabiktima rin umano ni Pacion sina Nilda Valdapenas, 43, ng Bgy. Alabug, Tuao, na nakabili ng 17 kahon; at Ofelia Doctor, 48, ng Bgy. Naruangan, Tuao, na 20 kahon naman ang binili. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay