SANTIAGO (Reuters) – Patuloy na nangangalit ang pinakamatinding wildfire sa kasaysayan ng modernong Chile sa central-south region ng bansa.

“We have never seen something of this size, never in Chile’s history,” sabi ni President Michelle Bachelet, sa pagbisita niya sa pinakamatinding tinamaang rehiyon ng Maule.

Nitong Miyerkules, dumating ang Boeing 747-400 Super Tanker na hiniram mula sa United States upang tumulong sa pagpatay ng apoy. Dumating na rin ang tulong mula sa France, United States, Peru at Mexico.

Sa tala nitong Miyerkules, 85 sunog ang naitala, na nilamon ang may 190,000 ektarya ng lupain – mahigit doble ang laki sa New York City. Pinaghihinalaang sinadya ang ilang wildfire at ilang tao na an naaresto sa patuloy na imbestigasyon.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Tatlong bombero ang napatay noong Enero 15 at tatlong iba pa ang nagtamo ng malubhang pinsala. Isa pang bombero ang nasawi nitong Miyerkules.