April 16, 2026

Home BALITA Internasyonal

Qatar, nanindigang panagutin Israel sa pag-atake sa Lebanon!

Qatar, nanindigang panagutin Israel sa pag-atake sa Lebanon!
Photo courtesy: via AP

Mariing nanindigan at kinondena ng bansang Qatar ang pag-atake ng Israel sa may timog na bahagi ng Lebanon at sinabi nilang dapat daw itong managot sa paglabag sa international humanitarian law. 

Matatandaan kasing matagal nang may namamagitang sigalot sa pagitan ng Israel at militanteng grupo na Hezbollah na nakabase sa kalakihang bahagi ng southern Lebanon at kumitil sa mahigit 4,000 na mga tao noong 2023 hanggang 2024. 

Sa pagpasok ng Marso nitong 2026, muling uminit ang tensyon sa pagitan ng nasabing bansa at grupo dahil sa pagkamatay ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei noong Pebrero 28, 2026. 

Ayon sa mga ulat ng international media news outlet nitong Biyernes, Marso 13, 2026, aabot na umano sa mahigit 100 ang mga nasawi at mahigit 100,000 na mga indibidwal ang napilitang lumikas sa southern Lebanon dahil sa pag-atake ng Israel.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ang Ministry of Foreign Affairs ng Doha, Qatar nito ring Biyernes at sinabi nilang malinaw daw na nilabag ng Israel ang international humanitarian law at United Nation (UN) Security Council Resolution 1701. 

Internasyonal

Lalaki, gumaling sa HIV sa tulong ng kapatid?

“The State of Qatar strongly condemns the Israeli attacks on southern Lebanon, considering them a blatant violation of international humanitarian law and UN Security Council Resolution 1701,” pagsisimula nila. 

Photo courtesy: Ministry of Foreign Affairs - Qatar (X).

Photo courtesy: Ministry of Foreign Affairs - Qatar (X).

Nagawang manawagan ng nasabing Ministry sa international community na panagutin umano ang Israel at itigil na ang walang humpay na pag-atake nito sa southern Lebanon bilang pagrespeto sa international conventions at batas. 

“The Ministry of Foreign Affairs calls on the international community to fulfill its responsibilities by compelling the Israeli occupation authorities to cease their repeated attacks on Lebanon and to respect international conventions and law,” anila. 

Pagpapatuloy nila, mariin daw na tumitindig ang estado ng Qatar sa panig ng Lebanon. 

“The Ministry affirms the State of Qatar's unwavering stance towards the Republic of Lebanon, its unity, sovereignty, and territorial integrity, and its full support for all efforts that enhance its stability and prosperity,” pagtatapos nila. 

MAKI-BALITA: Trump, dismayado sa desisyong pagpapalit ng supreme leader ng Iran!

MAKI-BALITA: US senator kinondena pambobomba sa mga paaralan, pagpatay sa kabataan sa Iran!