April 16, 2026

Home BALITA National

US senator kinondena pambobomba sa mga paaralan, pagpatay sa kabataan sa Iran!

US senator kinondena pambobomba sa mga paaralan, pagpatay sa kabataan sa Iran!
Photo courtesy: Sen. Raphael Warnock (X), AP

Mariing kinondena ng isang senador sa Estados Unidos ang pambobomba sa mga paaralan na pumatay sa maraming kabataan sa Iran. 

Ayon sa naging pahayag ng Baptist pastor at US Senator na si Raphael Warnock sa kaniyang “X” post nitong Biyernes, Marso 13, 2026, sinabi niyang dapat umanong ikabahala ng konsensya ng bawat isa ang pagpatay sa kabataan, dulot ng umiigting na giyera ngayon Gitnang Silangan. 

“The killing of schoolchildren should shock our conscience and cause us to recoil in horror,” mababasa sa simula ng kaniyang post. 

Photo courtesy: Sen. Raphael Warnock (X)

Screenshot mula sa “X” post ni Warnock. 

Ani Warnock, dapat daw na tingnan ang moral ng mga lider ng bansang madaling nakapagpapasiya sa pagkitil ng buhay ng kabataan. 

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

“A nation whose leaders can so easily shrug off the death of children, no matter the cause, is in need of moral repair,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, kailangan umanong may managot at mabigyan ng leksyon sa trahedyang ito dahil ang kabataan sa Iran ay anak din daw ng Diyos. 

“There must be accountability and lessons learned from this tragedy. And we must never forget that Iranian children, too, are children of God,” pagtatapos niya. 

Kaugnay nito, naitala naman mga sa ulat ng international news media outlet na aabot sa mahigit 170 na kabataan ang nasawi sa pambobomba sa isang paaralan sa Iran noong Pebrero 28, 2026, nang magsimula ang sigwa sa pagitan ng mga bansang US at Israel laban sa nasabing bansa. 

KAUGNAY NA BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!

KAUGNAY NA BALITA: Trump sa pakikipaggiyera sa Iran: 'It's doing very well!'