RIA copy

HINDI namin napanood ang pilot episode ng My Dear Heart noong Lunes kaya hindi kami makapag-react sa kuwentong mahusay ang pagganap ni Ria Atayde sa eksena nila ni Ms. Coney Reyes na sinisermunan siya dahil nalamang buntis siya courtesy ng kanyang college boyfriend na ginagampanan ni Zanjoe Marudo.

Naghanap kami ng video ng naturang episode, at nai-deliver nga ni Ria ang hinihingi ng papel niya bilang anak ng pamosong heart surgeon na galit na galit at wala naman siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak.

Inabangan namin ang My Dear Heart nitong Miyerkules, pero wala na si Ria at ang sabi sa amin ng mga sumusubaybay sa serye ay pinapunta na sa ibang bansa para mag-aral.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sina Bela Padilla at Zanjoe na ang mag-asawa, at anak nila si Heart (Nayomi Ramos) na maysakit sa puso, kaya naghahanap ang dalawa ng doktor na mag-oopera sa bata bukod pa sa pinoproblema nila ang perang gagastusin.

Mataas ang rating ng My Dear Heart noong Lunes. Nagtala ito ng 29.2% nationwide at 30.4% naman sa Metro-Manila. Noong Martes ay 31% nationwide at 31.5% sa Metro-Manila plus Urban 32%. At nitong Miyerkules – 27.6% nationwide; 28.2% Metro-Manila at Urban 29%.

Iisa ang tanong sa amin, dahil alam nilang malapit kami kay Ria, kung ano na raw ang nangyari sa karakter niya at kung babalik pa ba siya sa My Dear Heart.

Base sa pagkakaalam namin ay special guest lang si Ria sa serye at wala kaming ideya kung ibabalik siya dahil may asawa na nga si Zanjoe. Kaya ano pa ang magiging papel niya, maliban na lang kung maghahabol siya para may ka-love triangle sina Z at Bela.

Pero parang hindi naman ito mangyayari dahil naka-focus ang kuwento kay Heart na maysakit at higit sa lahat, wala kaming matandaang naakit ang karakter ni Zanjoe sa ibang babae sa mga teleserye niya bukod sa kapartner niya.

(REGGEE BONOAN)