JAKARTA, Indonesia (AP) — Ang lalaking inaresto sa Bali nitong linggo sa hinalang may kaugnayan sa grupong Islamic State matapos bumiyahe sa Turkey ay nagtapos sa Australia at dating opisyal ng finance ministry, sinabi ng mga awtoridad kahapon.

Ayon sa Ministry of Finance, si Triyono Utomo ay nagbitiw sa fiscal policy office ng ministry noong Pebrero 2016.

Sinabi ni National Police spokesman Martinus Sitompul na si Utomo ay “well educated” at nagtamo ng kanyang master’s degree sa Australia.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na