LOS ANGELES (AP) – Isang panukala ang nakatakdang isumite sa state election officials upang hilingin sa botante na burahin ang isang bahagi ng konstitusyon na nagdedeklara sa California bilang bahagi ng United States.
Kapag naisalang sa botohan at inaprubahan ng mga botante, magiging hakbang ito upang isulong ang paghihiwalay ng California sa US at maging isang bansa.
Sinisikap ng mga tagasuporta nito na makalikom ng 600,000 lagda ng mga botante na kailangan upang maisalang ang plano sa botohan.