SAN MANUEL, Tarlac - Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para makumpirma ang sinasabing pagpapakamatay ng isang 72-anyos na biyuda na natagpuang may nakasaksak na patalim sa dibdib sa Barangay San Miguel sa San Manuel, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sinabi ni SPO1 Jesus Abad na pinaniniwalaang matinding depresyon sa buhay ang nagbunsod ng pagpapatiwakal ni Nelia Vitales, na napag-alamang nag-iisa lang sa bahay at maraming beses na umanong nagtangka sa sariling buhay ngunit napipigilan ng mga kapitbahay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog