Sanhi ng mahinang pangangatawan dulot ng katandaan ay hindi na nagawa pang makalabas ng isang retiradong guro mula sa nasusunog niyang bahay sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng arson division ng Manila Fire Department (MFD), malapit sa pintuan ng kanyang kuwarto, natagpuan ang bangkay ni Rosalia Hornilla, 69, ng 222 Pedro Alfonso Street sa Balut, Tondo.

Ayon kay FO1 Axel John Ramos, dakong 3:52 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng biktima.

Dakong 4:33 ng madaling araw idineklarang under control ang sunog at tuluyang naapula bago mag-6:00 ng umaga.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Inaalam na ng awtoridad ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa P2 milyong halaga ng ari-arian. (Mary Ann Santiago)