ROME, Italy – Dismayado sa diumano’y mga napapakong pangako ng pamahalaan, pinayagan ng National Democratic Front (NDF) peace panel ang revolutionary forces nito na tumalikod sa unilateral ceasefire.

Mangangahulugan ito na papahintulutan ang mga puwersa ng New People’s Army (NPA), ang armadong sanggay ng NDF, na kusang timbangin kung kailangan nilang labanan ang mga puwersa ng gobyerno, at balewalain ang unilateral ceasefire na idineklara ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA-NDF – noong Agosto 2016.

“The leadership of the revolutionary movement on the ground will have to make the decision (kung tatalikod sa unilateral ceasefire) on the basis of their appreciation of facts and conditions on the ground, as well as condition on the negotiations,” sabi ni NDF peace panel chairman Fidel Agcaoili sa sidelines ng ikatlong serye ng mga pag-uusap ng gobyerno at ng komunistang grupo sa Holiday Inn Rome – Parco de Medici.

Sinabi ni Agcaoili na nagkaroon man ng ilang insidente ng paglabag sa ceasefire agreements ng magkabilang panig, ang engkuwentro ng mga tropa ng gobyerno at rebeldeng NPA noong Sabado sa bayan ng Makilala sa North Cotabato, na ikinamatay ng walong sundalo at isang rebelde, ang pumatid sa pisi ng makakaliwang grupo.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Naghain ang NDF peace panel ng protest letter sa GRP kaugnay sa mga diumano’y paglabag sa ceasefire agreements, na tinalakay ng dalawang partido sa isang special meeting nitong Martes.

Idiniin ni Agcaoili na hindi tinutupad ng gobyerno ang mga ipinangako nito. “Up to now, bitin na bitin, iba-iba ang dahilan,” reklamo niya.

Naghihinala rin si Agcaoili na mayroong mga sumasabotahe sa peace talks ng GRP at NDF. “It’s a ground for speculation – pero parang may nananabotahe,” aniya.

Sa kabila nito, sinabi ni Agcaoili na bukas pa rin ang NDF sa bilateral ceasefire agreement sa GRP na maaaring malagdaan bago magtapos ang mga negosasyon ngayong Miyerkules.

“We are not entirely closed to that possibility,” diin niya. (ROCKY NAZARENO)