12 (3)

APAT na naggagandang flower float na sinakyan ng naggagandang 28 kandidata ng Miss Universe 2016, kabilang ang float ni 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, ang nasilayan ng mga manonood nitong Miyerkules sa Summer Capital of the Philippines.

Sa tatlong Panagbenga Flower Floats na may disenyong Luzon,Visayas at Mindanao sumakay ang 28 kandidata, samantalang sa BCC float naman sumakay si Pia. Isang mini-Panagbenga parade ang inihanda ng Hotel and Restaurant Association in Baguio (HRAB), na siyang host sa Miss U Baguio leg.

Bago ginanap ang parada, sumalubong ang malamig na temperatura ng lungsod na 14 degree celcius, dakong alas 8:00 ng umaga, kasabay ang mainit na pagsalubong sa kanila ng mga opisyales at residente sa Loakan Airport.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang mga kandidata na dumating sa Baguio ay sina Miss Australia - Caris Tivel, Miss Columbia – Jealisse Andrea Tovar Velasques, Miss Peru – Veleria Piazza Vasquez, Miss Puerto Rico – Brenda Azaria Jimenes Hernandez, Miss Spain – Nohelia Freirie Benito, Miss Albania – Lindita Idrizi, Miss Aruba – Charlene Leslie, Miss Barbados – Shannon Harris, Miss France – France Mittenaire, Miss Guam – Muneka Joy Cruz Taisipic, Miss Haiti – Raquel Pellisier, Miss Israel – Yam Kaspers Anshel, Miss Italy – Sophia Sergio, Miss Kenya – Mary Esther Were, Miss Korea – Jenny Kim, Miss Kosovo – Camila Barraza, Miss Malta – Martha Fenech, Miss Mauritus – Kushoo Ramnawaj, Miss New Zealand – Tania Dawson, Miss Norway – Chirstina Waage, Miss Slivenia – Lucija Potocnik, Miss South Africa – Ntandoyenkosi Witess Kunene, Miss Sweden – Ida Ovmar, Miss US Virgin Islands – Carolyn Carter, Miss Denmark – Christina Dalgaard Mikkelsen, Miss Finland – Shily Karvinen, Miss Canada – Siera Lacee Bearchell at Miss Japan – Sari Nakazawa.

Nagpamalas ng silent exhibition drill, na may sayaw sa huli, ang mga kadete ng Philippine Military Academy Class 2018 sa gitna ng runway na labis na ikinasiya ng mga kandidata. Lalo na sa kasunod, na binigyan sila ng tig-isang red roses.

Bagamat na-delay ng mahigit sa isang oras ang parada, na dapat ay alas 10:00 ng umaga magsisimula, hindi natinag sa kani-kanilang puwesto ang mahigit sa 20,000 manonood sa kahabaan ng Upper Session Road Southdrive, patungo sa loob ng Baguio Country Club.

Pagkatapos ng parada ay pinangunahan ni Wurtzbach ang ceremonial tee-off ng The Crown Golf Tournament sa loob ng BCC.

Nag-simultaneous tree planting at strawberry picking naman sa BCC’s Green Zone ang mga kandidata.

Nagpamalas ng cultural dance presentation ang mga katutubo ng Cordillera at nakisayaw ang mga kandidata. Kasunod na ipinamalas ni Solar Painter Jordan Mangosan at ni Kidlat Tahimik ang kani-kanilang mga solar painting at arts exhibit sa Infinity Garden.

Kinagabihan, pinangunahan ni HRAB President and BCC General Manager Anthony de Leon ang gala dinner at dito ay nakasalo ng mga bisita ang mga kandidata. (RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="220413,220411,220410,220409"]