Sinabi kahapon ni Senate Minority Leader Ralph Recto na kinakailangan ding maging agresibo ang Departments of Education (DepEd) at Health (DoH) sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema sa kawalan ng ligtas at malinis na tubig sa mahigit 3,000 pampublikong paaralan sa buong bansa, gaya ng pagpupursige nila sa pamamahagi ng condoms sa mga eskuwelahan.

“If we’re going to give away condoms, then let us also provide clean drinking water to millions of school children.

Let’s erase the backlog in water and sanitation facilities,” saad sa pahayag ni Recto.

Ang paghuhugas ng kamay, aniya, ay “preventive measure that staves off sickness that leads to class absences.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon sa senador, sa 46,739 public schools sa buong kapuluan, mayroong 3,628 na “zero water”, samantalang 8,109 eskuwelahan naman ang umaasa lamang sa nasasahod na tubig-ulan “which renders them basically waterless.” Ang naturang bilang ay mula sa datos na iprinisinta ng DepEd noong nakaraang taon, ayon sa senador.

“This brings up the real total of waterless schools to 11,737. So about one in four walang tubig. Ilang bata ang apektado? Easily five million students,” aniya.

Binanggit din Recto na 18,393 na eskuwelahan lamang sa buong bansa ang mayroong tubig na nagmumula sa tubo. Ang 17,757 na eskuwelahan naman ay kumukuha ng tubig sa mga balon. (Elena L. Aben)