Coney Reyes copy

MAHUSAY na dramatic actress si Ms. Coney Reyes kaya palagi siyang inaalok para gumanap sa mabibigat na papel. Tulad sa My Dear Heart, gaganap siya bilang heart surgeon na punumpuno ng galit ang kalooban sa maraming dahilan na malalaman sa kuwento.

Hindi ba nagsasawa si Ms. Coney sa ganitong klaseng papel na parang paulit-ulit -- tulad sa mga naunang seryeng 100 Days to Heaven (2011), Nathaniel (2015) at Ysabella (2007) bagamat magkakaiba naman ang kuwento at level ng pagiging kontrabida niya?

“Parati ko naman sinasabi sa kanila (Dreamscape Entertainment), give me a sitcom,” sagot ni Ms. Coney sabay tawa. “They explained naman to me, I think when they do research, parang acceptable na kontrabida ako at believable na nagbabago. Sometimes daw they had a hard time to portray ‘yung ganu’ngm role na magiging mabait na, minsan hindi raw naniniwala ‘yung viewers. So according sa research lumalabas na naniniwala sila sa akin.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“And that’s why I’m honored kasi I like also to portray the role. Before kasi ayokong magkontrabida because I share the Gospel, like that, but the thing is after I did Ysabella when Direk Rory Quintos explained to me the role, mas challenging at maraming magagawa ang kontrabida na magbabago, di ba?

“Kasi ‘yung magbabago mismo, bad to good, there’s a transition, it can’t be also parang all of a sudden so may nuisances, merong lalim ‘yan, it has got to come deep, deep inside of you. And you have to work at it also slowly with the directors, co-stars that are very important on the character of everybody. Understand where your characters go, where’s the story, plot go. I have to understand where the story of the teleserye is going and kapag naintindihan ko ‘yun, okay na sa akin,” paliwanag ng batikang aktres.

Hiningan din ng komento si Ms. Coney tungkol sa mga katrabaho niya sa My Dear Heart na halos lahat ay pinuri niya maliban sa mga hindi pa niya nakakaeksena tulad nina Mark Oblea, Jameson Blake, Loisa Andalio at Sandino Martin.

Nang tanungin kung okay lang ba na nai-intimidate sa kanya ang mga katrabaho niya, kasi nga nakilala noon si Ms. Coney na kapag hindi makaarte ang kaeksena niya ay nawawala na siya sa mood or worst ay magwo-walk out siya.

“Siguro, that gives me a conscious effort to reach out to people. I don’t like them nga to get intimidated. I guess siguro dahil matanda na ako or matagal na ako sa industriya, siyempre medyo maiilang siguro sila, ‘yun siguro. May ilang ng konti. Pero kapag nakilala na nila ako, hindi naman,” sagot niya.

Touched si Ms. Coney na nabibigyan siya ng pagkakataon na nakakatrabaho ang mga baguhang maayos at driven magtrabaho, na nangangahulugang hindi sila pabaya sa propesyong pinasok at mahal nila ang ginagawa nila.

“Nakakatuwa kasi, it such a blessing to work with these young actors, talagang gusto nila ‘yung ginagawa nila. Kasi may mga bata na nakikita ko naman, hindi sineseryoso ang mga trabaho. Sayang ang mga pagkakataon na ibinibigay sa inyo ng Panginoon. At itong mga ito (co-stars sa My Dear Heart), ang gagaling makisama, hindi sila pa-star or anything like that. Sobrang mabubuti at mabubuti ang pagpapakaki ng mga magulang ninyo sa inyo,” pahayag ng beteranang aktres.

Bukas ng gabi na mapapanood ang premiere telacast My Dear Heart pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano mula sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin handog ng Dreamscape Entertainment. (Reggee Bonoan)