Kumpiyansa si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magiging “harmonious” ang ugnayan ng Pilipinas at ng United States of America sa ilalim ng pamamahala nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Donald Trump.

“From the body language of the two presidents, I think there will be a harmonious relationship between the two countries,” ani Panelo.

Idinagdag niya na ang ugnayan ng mga nasabing bansa ay mas magiging masigla kumpara sa nagdaang taon, sa paghanga ni Trump sa dedikasyon ni Duterte na malinis ang bansa mula sa ilegal na droga.

“Given the fact that the incoming President gave his admiration to the President (Duterte), I think it (ang ugnayan ng dalawang bansa) will be good,” ayon pa kay Panelo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, binati ni Panelo si Trump sa pagkakapanalo nito sa eleksiyon laban kay Hillary Clinton noong Nobyembre.

“Congratulations, Mr. Trump, it’s an unexpected but overwhelming victory for you. We hope that the administration will be a success because your success, his success will be the success of the American people,” pahayag ni Panelo.

(Argyll Cyrus B. Geducos)