Trump Inauguration_Luga (1) copy

Madaling araw nanumpa si Donald Trump (Biyernes ng umaga sa Washington) bilang 45th president ng United States.

Dumating ang 70-anyos kasama ang asawang si Melania sa Washington mula New York noong Huwebes at dumalo sa mga inaugural festivities na naging tradisyon na para sa president-elect.

“We’re going to unify our country,” sabi ni Trump sa naghihiyawang libu-libong tao na nagtipon sa harapan ng Lincoln Memorial matapos ang pre-inauguration concert na nagwakas sa magarbong fireworks display.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“We’re going to do things that haven’t been done for our country for many, many decades,” dagdag niya. “It’s going to change. I promise you.”

Manunumpa si Trump sa Capitol – nakatakdang pamumunuan ni Supreme Court Chief Justice John Roberts -- dakong 11:47 ng umaga ng Biyernes at mapapanood ito nang live sa buong mundo.

Dadalo sa inagurasyon ang tatlong dating pangulo ng US at maraming dignitaries, kabilang na ang kanyang Democratic presidential rival na si Hillary Clinton.

HINDI MAKAPANIWALA

Hindi pa rin makapaniwala ang maraming Amerikano na ang napakayamang negosyante na sumikat sa reality television show sa pagsibak sa mga tao, ang ngayon ay kanila nang pangulo.

“I thought it was a joke. He’d run, he’d lose early and he’d be out,” sabi ni Christopher Thoms-Bauer, 20, bookkeeper at college student mula sa Bayonne, New Jersey.

Sa maraming pagkakahati-hati ng bansa, nagkakaisa sila ngayon sa pagkamangha.

“I thought there was no way he could win,” sabi ni Crissy Bayless, photographer sa Rhode Island, na nag-tweet ng litrato ng Statue of Liberty na tinatakpan ang bibig nito sa pagkagulat sa inagurasyon ni Trump.

“How am I feeling? Wow.. disgusted. nauseous and honestly like I’m in a nightmare,” sabi ni Bayless, 38, sa isang usapan sa email.

RALLY DITO, RALLY DOON

Sa bisperas ng inagurasyon ni Trump noong Huwebes, nakiisa ang mga sikat na artistang sina Robert De Niro, Sally Field at Mark Ruffalo sa libu-libong iba pa na nagdaos ng demonstrasyon sa labas ng Trump International Hotel and Tower sa Manhattan, New York. Ayon sa organizers, layunin nilang palakasin ang loob ng mga nababahala sa mga polisiya ng Republican president.

“I want to give them a sense of the America they’re inheriting, the fact that they have to lift their voices up,” sabi ni Jawanza Clark, taga-Bronx, na naki-rally kasama ang dalawang anak na may edad 10 at 5.

UMIWAS KA DIGONG

Hinimok ng mga grupong makakaliwa at mga aktibistang Muslim si Pangulong Rodrigo Duterte na panindigan ang kanyang bagong foreign policy na malaya sa Amerika sa pag-iwas kay Trump.

Mahigit 200 protesters ang nagtipon sa harap ng U.S. Embassy sa Maynila upang igiit ang kanilang panawagan noong Biyernes na wakasan ang presensiya ng mga tropang Amerikano sa bansa.

Ayon sa kanila mas nakakakaba si Trump kaysa kay Barack Obama dahil sa mga nakaiinsultong pahayag nito laban sa mga immigrant at Muslim. (AP, AFP, Reuters)