Drug-free na kaya ang Pilipinas sa pagtatapos ng taong ito? Naniniwala ang hepe ng anti-narcotics unit ng Philippine National Police (PNP) na posible ito.

Sinabi ni Senior Supt. Albert Ignatius Ferro, director ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), na maisasakatuparan ang target na malinis ang bansa sa ilegal na droga sa pakikipagtulungan ng publiko.

“I do believe in him to that objective accomplished by year-end. We hope and we ask the public not to lose hope,” sabi ni Ferro, tinukoy ang naunang pahayag ni PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Gayunman, iba ang sinasabing ng mga kasalukuyang datos.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong apat na milyong adik sa bansa kaya naman humingi siya ng anim na buwang extension sa orihinal na anim na buwang deadline niya sa pangakong susugpuin niya ang problema ng bansa sa droga.

Simula noong Hulyo, 2016 hanggang kahapon ng umaga, may kabuuang 2,261 drug personality ang napatay, habang 46,126 na iba pa ang naaresto. Kasabay nito, may 1,029,677 tulak at adik ang sumuko sa pulisya.

“This is a lonely journey for us. There are some challenges and we will face it squarely,” pag-amin naman ni Ferro na sadyang mahirap sugpuin ang droga. (Aaron Recuenco)