Positibo ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na magiging maganda ang resulta ng ikatlong serye ng peace negotiations sa Communist Party of the Philippines, New People’s Armyat National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) sa Rome na magsisimula bukas hanggang sa Enero 25.

“The outcomes of the third round of talks can bring us closer to achieving some possible milestones for sustainable peace,” ipinahayag ng OPAPP.

Tatalakayin dito ang panukalang bilateral ceasefire at pagpapalaya sa political prisoners.

Itinuturing ng OPAPP ang mga usapin sa socio-economic reforms, constitutional at political reforms na mahahalagang agenda kasabay ng pagtalakay sa pagwawakas ng bakbakan at pagsuko ng mga puwersa.

VP Sara, FPRRD, pinilahan umano ng 40,000 katao sa kanilang Pamasko sa Davao City

“These issues, although difficult, are surmountable with both sides sharing common aspirations for peace,” sabi ng OPAPP.

Ayon sa OPAPP, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government panel na sikapin ang maagang pagkakasundo sa mga isyu upang matamo ang kapayapaan sa bansa. (Jenny F. Manongdo)