Itinigil na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang run-after-tax-evaders (RATE) shame campaign nito at nilimitahan ang pagpapatupad nito sa taxpayers na binabalewala o tumatangging magbayad ng kanilang pagkukulang sa tax assessments.

Sa chance interview, ipinaliwanag ni Revenue Deputy Commissioner for Legal Service Clint Aranas na ang pangunahing trabaho ng BIR ay mangolekta ng buwis at hindi magparusa, o magpakulong ng taxpayers na may delinquent accounts.

Sinabi ni Aranas na bibigyan ng pagkakataon ang delinquent taxpayers na ayusin ang kanilang back accounts bago patawan ng criminal at administrative sanctions. (Jun Ramirez)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang