LAS VEGAS (TMZ SPORTS) – Ipinahayag ni undefeated world champion Floyd Mayweather, Jr. na handa siyang tumulong para maibalik sa tamang porma si MMA star Ronda Rousey.

Ayon kay Mayweather, nais niyang maging trainer ni Rousey para makabawi ito sa nakadidismayang kabiguan sa nakalipas na dalawang laban sa loob ng 13 buwan.

“I’m willing to work with her ... if she’ll give me chance,” pahayag ni Mayweather sa panayam ng TMZ Sports.

“I’ll work with her if she’s willing to work with me,” aniya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakamamangha ang alok ni Mayweather kay Rousey na lantarang bumatikos sa kanya sa isyu ng pananakit sa dating kinakasama.

Aniya, tapos na ang naturang yugto ng kanyang buhay at nakalimutan na niya ang naturang isyu.

“It’s water under the bridge now….. and now it’s her call,” aniya.