PATULOY ang pagkakawanggawa ni Kylie Jenner. Inilunsad niya nitong unang bahagi ng buwan ang kanyang lip kit, na sumusuporta sa charity na Smile Train. Unang nakipagtulungan ang reality star sa organisasyon noong nakaraang taon nang kumalap ng sapat na pera para sa libreng operasyon ng mga batang may cleft palate sa buong mundo.

Noong Oktubre, itinaon ni Jenner ang paglalabas ng limited-edition na lip kit noong World Smile Day at tulad ng inaasahan ay mabilis itong naubos. Ibinigay niya sa Smile Train ang tseke na nagkakahalaga ng $159,500.

Sa relaunch ng kanyang pink lipstick nitong Enero 5, nakalikom si Jenner ng karagdagang $300,000. Ang inilabas na dalawang limited na produkto ay nakalikom ng halos kalahating milyong dolyar.

Nag-tweet ang ina ni Kylie na si Kris Jenner bilang suporta sa pinakabagong proyekto ng kanyang anak. Aniya, “I’m so proud of you Kylie Jenner for your huge heart, your beautiful soul and for making a difference.” (Yahoo Celebrity)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter