billy at coleen copy

MAY nilinaw si Coleen Garcia sa naging pahayag ng kanyang boyfriend na si Billy Crawford sa It’s Showtime last December na engaged na sila. Ayon sa dalaga, ang target date ng kanilang kasal ay sa susunod na taon pa. 

“First quarter of 2018,” pagkumpirma ni Coleen.

Summer daw ang kanyang favorite season, kaya maaaring sa March o April, 2018 sila ikakasal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“It’s my favorite time of the year. And parang masyadong soon naman kung this summer kasi nangyari lang ‘yung engagement end of last year,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Gustong maging hands-on ng magkasintahan sa preparasyon ng kanilang kasal at pagtutuunan nila ng panahon ang plano at detalye nito.

Pero madami pang trabaho na dapat nilang bigyang-pansin ngayong taon. May pang-araw-araw na noontime show si Billy at si Coleen naman ay busy na rin sa taping ng kanyang bagong serye at ratsada rin sa paggawa ng pelikula na ang huli ay ang Extra Service, na palabas ngayon sa mga sinehan.

Tatapusin nila ang kanilang commitments para walang sagabal sa kasalang magaganap sa 2018.

“Gaya nitong soap (Ikaw Lang Ang Iibigin), ‘tapos may naka-lineup din na movies. And for Billy, he has shows as well.

So, mas madali siguro magplano kung mabibigyan talaga ng oras,” dagdag pa niya.

Ikinuwento ni Coleen ang biglaang proposal na ginawa ni Billy. Madalas daw silang magkasama sa out-of-town trips at bagamat napag-uusapan ang planong kasalan ay ikinabigla niya ang biglaang engagement ng boyfriend.

“Napag-uusapan naman namin, pero hindi ko akalain na ganu’n ka-soon,” sey ni Coleen.

Nabili na pala ni Billy ang enggeament ring 19 months before the proposal?

“So, for more than a year, nasa kanya na ‘yung singsing. Siguro, siya, ang tagal na niyang plinano. Pero I had no idea na may plano siyang ganu’n,” aniya.

Masaya si Coleen na masayang tinanggap ng kanyang pamilya ang pagpo-propose ni Billy. Boto naman daw ng kanyang pamilya na si Billy ang makakatuluyan niya. (ADOR SALUTA)