Nakiusap sa publiko ang isang pari na ipanalangin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Father Oscar Lorenzo, resident priest ng Sto. Niño Parish sa Tacloban at dating formator ng Archdiocese of Palo, dapat magsama-sama ang mga mananampalataya at ipanalangin si Pangulong Duterte upang maging matagumpay na pangulo ng bansa.

“Since he is our president, we want him to succeed, we want him to do what is best for the Philippines, if not for this problem in himself,” bahagi ng homiliya ni Lorenzo.

Bagamat hindi rin umano sang-ayon si Lorenzo sa matatapang na pahayag ng pangulo at sa mga pananaw nito na taliwas sa turo ng simbahan, naniniwala siya na may mga positibong punto rin ang pangulo at naniniwala siyang gagabayan ito ng Panginoon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maging ang mga miyembro ng gabinete, na siyang mga alter-ego ng pangulo, ay dapat din aniyang ipagdasal ng sambayanan. - Mary Ann Santiago