Johanna Konta (AP photo)
Johanna Konta (AP photo)
SYDNEY(AP) — Sa nakalipas na dalawang paghaharap, luhaang umuwi si Johanna Konta. Sa ikatlong pagkakataon, tiniyak ng British tennis star na hindi siya ang mag-aalsa balutan.

Sa wakas, natikman ni Konta ang magdiwang sa center court nang gapiin ang mahigpit na karibal na si Agnieszka Radwanska, 6-4, 6-2, sa finals ng Sydney International – pampaganang torneo bago ang Grand Slam Australian Open – nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Bunsod nang panalo, nabigyan ng karagdagang kumpiyansa si Konta para sa kampanya sa Australian Open na magsisimula sa Lunes (Martes sa Manila) kung saan umabot siya sa semifinals sa nakalipas na season.

Sa men’s division, nabigo si Viktor Troicki ng Serbia sa kampanyang ikatlong sunod na titulo sa torneo matapos magapi ni Gilles Muller sa semifinals, 6-3, 7-6 (6).

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Target ni Troicki na maging unang player sa Open era na magwagi ng Sydney title sa tatlong sunod na taon at makawala sa grupo nina Pete Sampras, James Blake at Lleyton Hewitt na pawang naging back-to-back champion dito.

“When I came here, I wasn’t expecting anything because I didn’t play really well in Brisbane and I wasn’t feeling great,” pahayag ni Muller. “I was looking to have one or two more matches before the Australian Open.”

Makakaharap ng sixth-seeded na si Muller sa finals ang mananalo sa pagitan nina Daniel Evans ng Britain at Andrew Kuznetsov ng Russia.