MAGANDANG balita sa Pinoy football fans.

Ang pamosong Neymar Jr’s Five – itinuturing phenomenal tournament ng Brazilian superstar – ay gaganapin sa rin sa Manila.

Sa kasalukuyan, nilalaro ang torneo sa mahigit 50 bansa at sakop ang anim na kontinente sa mundo kung saan tampok ang pagbibigay halaga sa disiplina at kahusayan na sumasalalim sa katauhan ni Neymar.

Batay sa format, ang magkaribal na koponan na binubuo ng limang player ay maglalaban sa loob ng 10 minuto kung saan sa bawat goal na makukuha ay katumbas nang pagbawas ng isang player mula sa karibal.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Sa ganitong pagkakataon, mas mapapabilis ang pagiskor ng liyamadong koponan.

Sa kabuuan mahigit 65,000 player mula sa 47 bansa ang nakikiisa sa Neymar Jr’s Five at kabilang ang Manila sa programa ngayong taon.

Bukas ang torneo sa mga kabataang may edad 16 hanggang 25.

Papayagan na maglagay ng dalawang over-age na player sa bawat koponan. Para sa Pinoy player, kailangang nilang magsumite ng Philippine passport para opisyal na mapasama sa on-line registration.

Nakatakda ang qualifying round sa Pebrero 18 at 25th sa SPARTA Philippine sa Mandaluyong City. Nakatakda ang Finals sa Marso 4.